DAGUPAN CITY – Nilagdaan ng provincial government ng Pangasinan at DOH Region 1 Medical Center ang Deployment of Medical Specialists ang isang Memorandum of Agreement para tutukan ang aspetong pangkalusugan sa probinsya.

Ang naturang MOA ay nilagdaan nina Governor Ramon Mon-Mon Guico III at Dr Roland Mejia, ang siyang director ng Region 1 Medical Center o R1MC.

Ito ay maglaan ng mga espesyalistang doctor sa labing apat na pagamutan sa ilalim ng pamamalakad ng lalawigan, at mabigyan ng sapat na atensyon medikal ang mga pasyente.

--Ads--

Kasama sa naturang MOA signing si Board Member Dra. Sheila Baniqued at R1MC Chief Administrative Officer na si Ruel Raymund Malubag.