Tuluyan ng naisakatuparan ang matagal ng inaasam-asam ng pamunuan ng BJMP Dagupan City Male Dormitory na programang College behind bars.

Sa tulong at inisyatiba ng LGU Dagupan, nabigyan din ng pagkakataon ang mga PDL’s na mabigyan ng scholarship program.

Ayon kay JCI. Lito S. Lam-Osen Jail Warden, BJMP Dagupan City Male Dorm nakapag enroll ang nasa 36 PDL under College Behind Bars at 22 sa kursong Associate in Information Technology at 14 enrollees sa Associate in Business Management.

--Ads--

Bukod dito ay mayroon ding dalawang humabol na mga released PDL.

Bago man aniya nagkaroon ng enrollment, dumaan sa masusing screening ang mga PDL at unang requirement na inilatag ng city government sa kanila ay dapat residente sa Dagupan at laking pasasalamat ng kanilang tanggapan na karamihan sa kanilang mga inendorsong would be student o nakitaan ng potensyal ay nakapasa.

Bukod sa College Behind Bars program, nariyan din ang kanilang Basic Literacy Program, Elementary, Junior at High School kung saan umabot sa kabuuang bilang na 101 enrollees.

Matagal na aniya itong kahilingan ng kanilang mga PDL’s ngunit hindi nila ito maisakatuparan bunsod ng kanilang pamamalagi sa piitan kaya naman mula ng ito’y inilalakad pa lamang nila, laking tuwa at pag asa na ang hinangad ng kanilang mga PDL at karamihan sa kanila ay nag-aasam na makatapos ng pag aaral hanggang kolehiyo.

Hindi naman naging problema ang classroom sa kanilang mga estudyante dahil marami silang function hall na madalas ay pinagdarusan din nila ng ibat-ibang aktibidad.

Batay sa kanilang data, almost 96% ng kanilang mga PDL ay hindi nakapag tapos kaya naman malaking tulong sa kanila ang naturang scholarship program.

Kung saan isa ito sa mga programang sinisikap nilang mapalawak at mapalakas upang mpagkalooban ng magandang edukasyon ang bawat PDL.

Nangako naman ito na sa abot ng kanilang makakaya ay gagawin nila ang lahat ng kaparaanan upang maiparamdam at maipaabot ang bawat pagkakataon sA kanilang mga PDL’s lalo na ang karapatan sa edukasyon.