Nakalabas na sa pagamutan si Pope Leo XIV matapos na sumailalim sa operasyon ng kaniyang baga.
Mula sa Gemelli Hospital sa Rome ay dumiretso agad ito sa kaniyang apartment sa Vatican.
Sinabi ni ng Holy See Press Office na pangungunahan na ng Santo Papa ang Angelus prayer sa araw ng Linggo mula sa Apostolic Palace.
--Ads--
Magugunitang nananatili ng apat na araw ang 71-anyos na Santo Papa matapos na tanggalin ng mga doctor ang namuong tisyu mula sa kaniyang baga.
Tiniyak din ng kaniyang mga doktor na walang anumang kumplikasyon at nasa magandang kondisyon ngayon ang Santo Papa.










