Inihayag ni Pope Leo na sasailalim siya sa operasyon ngayong linggo upang alisin ang isang maliit na bukol sa kanyang baga na natuklasan ng mga doktor sa isinagawang pagsusuri sa kanyang kalusugan.

Ito ang unang naiulat na seryosong usaping pangkalusugan ng 71-anyos na Santo Papa mula nang mahalal bilang pinuno ng Simbahang Katolika.

Ayon kay Pope Leo, natukoy ang bukol sa kanyang baga sa maagang yugto at nananatili lamang ito sa isang limitadong bahagi ng naturang organ.

Ibinahagi niya ang impormasyon sa mga debotong nagtipon sa St. Peter’s Square para sa kanyang lingguhang panalangin.

Dagdag pa niya, ipinayo ng mga doktor na sumailalim siya sa operasyon upang alisin ang bukol at aniya, nakatakda na ang operasyon sa mga susunod na araw.

Gayunman, hindi pa naglalabas ng pahayag ang Vatican kung pinaghihinalaang kanser o malignant ang natuklasang bukol.