Naka-alerto ang Philippine National Police (PNP) sa posibleng kilos protesta sa nakatakdang pagdiriwang ng ika-81 kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr, na kaniyang inatasan ang mga hepe ng kapulisan na maghanda at i-assess ang sitwasyon.

Magpapakalat sila ng mga tauhan kung kinakailangan sa mga lugar kung saan isasagawa ang pagtiitpon.

--Ads--

Sakaling kailangan ang pagpapakalat ng mga resources at assets ay kanilang gagawin din.

Paglilinaw nila na magpapakalat lamang sila ng mga tauhan para mapanatili ang katahimikan sa mga rallies.