Mga kabombo! Naniniwala ka ba sa himala?

Tila isang himala kasi ang pagkaligtas ng isang Pinay sa Taiwan matapos siyang makaligtas sa pagkakakaladkad nito sa Tren.

Ayon sa ulat, nanganib ang buhay ng isang turistang Pinay sa Taiwan matapos siyang mahagip ng rumaragasang tren. Ang dahilan, ang kaniyang kagustuhang makakuha ng isang magandang larawan?

--Ads--

Paano ba naman kasi, habang nagpapa-picture umano ang Pinay tourist sa kilalang tourist attraction sa Shifen Old Street sa Taipei, Taiwan.

Kung saan, itinaon ng Pinay tourist ang pagpapalitrato habang dumadaan ang tren at itinaas pa niya ang kanyang kamay. Dahil sa sobrang lapit niya sa rumaragasang tren ay nahagip siya nito.

Nagtamo ang Pinay ng mga sugat sa katawan at spinal injury, habang dedesisyunan pa ang kanyang kapalaran dahil maaaring umabot sa isandaang libong piso ang multa niya dahil sa kasong trespassing sa railway ng tren.

Idinagdag ng awtoridad sa bansa na may safety protocols na ipinatutupad sa tourist destination, subalit nadala umano marahil ng excitement ang babae.