BOMBO DAGUPAN- Libo-libong katao ang lumikas sa mga low-lying areas sa lungsod ng Hanoi sa Vietnam dahil sa pagtaas ng lebel ng tubig sa Red River. Ito umano ang pinakamataas na pagtaas ng lebel ng tubig ng nasabing ilog sa loob ng dalawang dekada.

Mataas na din ang mga baha sa ilang parte ng syudad kaya napilitan nang gumamit ng bangka ang mga residente.

Pinatigil muna ang operasyon ng elektrisidad sa ilang distrito para sa kaligtasan ng mga residente.

--Ads--

Kaugnay nito, 10 sa 30 distrito sa Hanoi ang itinaas ang “flood alert.”