Isang himala nga kung ituring ang pagbubuntis ng isang lola, ngunit hindi na ito bago dahil may ilan na rin ang naitala sa kasaysayan.
Ngunit hindi rin naman magpapahuli ang ‘animal kingdom’ dahil ang pinamatandang ibon sa buong mundo ay nagawa naman na mangitlog.
Isang Layson albatross sa North Pacific island na pinangalang Wisdom at tinatayang nasa 74 taon gulang ang nasabing nangitlong.
Namataan ng U.S Fish and Wildlife Service ang pugad nito kasama ang bago nitong partner sa Midway Atoll National Wildlife Refuge nang mangitlog ito.
Bagaman, umabot na sa hindi bababa sa 50-60 beses na nangitlog si Wisdom, ang kamakailan pangingitlog ang kauna-unahan nito sa loob ng 4 na taon.
Positibo naman si Jon Plissner, supervisory wildlife biologist ng naturang lugar, na mapipisa ang itlog ni Wisdom.
Si Wisdom ay unang nangitlong noong 1956 at pinapaniwalaang 5 taon gulang ito nang mangyari ang pangingitlog.