BOMBO DAGUPAN – Umabot na sa PHP1.4 million ang pabuya para sa makapagbibigay ng lehitimong impormasyon sa kinaroroonan ng aspiring beauty queen mula sa Pampanga na si Geneva Lopez at ng Israeli boyfriend nitong si Yitshak Cohen.

Ayon sa ulat ang karagdagang isang milyong piso ay mula kina Pampanga Governor Dennis Pineda at Vice-Governor Lilia Pineda.

Bukod pa rito, may inaalok ding PHP150,000 na pabuya si Sto.Tomas, Pampanga Mayor Johnny Sambo.

--Ads--

Kaya umabot na sa P1.150 million ang pabuyang pera mula sa opisyales ng Pampanga.

Nauna na ring nag-alok ang pamilya ni Cohen ng PHP250,000

Sinundan ito ng PHP100,000 reward money mula kay Angeles City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr. para sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan nina Geneva at Yitshak.

Sa kabuuan, PHP1.4 million na ang reward money para sa sinumang may konkretong impormasyon sa kinaroroonan nina Geneva at Yitshak.

Matatandaan na nawala sina Geneva at Yitshak noong June 21, 2024, kung saan napag-alamang nagpunta sila ng Capas, Tarlac, para tingnan umano ang isinanlang lupa sa pageant candidate.

Madaling-araw ng June 22, 2024, natagpuan naman ng pulisya ang sunog na sasakyan ng dalawa.

Ayon sa tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP) na si Police Colonel Jean Fajardo, hindi pa maikukunsidera ngayong persons of interest ang dating pulis na middleman ng magkasintahan sa bibilhing lupa sa Tarlac.