Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na hindi konektado ang tumamang malakas na magnitude 6.9 na lindol sa Cebu sa pagsabog ng bulkang Taal ngayong Miyerkules, Oktubre 1.
Paliwanag ni Phivolcs director Dr. Teresito Bacolcol na pumuputok talaga o kaya naman ay nagaalburuto ang bulkan paminsan-minsan.
Sa katunayan aniya mahigit 90 phreatic at phreatomagnetic eruptions na ang naitala simula noong Abril ng nakalipas na taon.
Sa ngayon, nanatili ang Taal sa Alert Level 1, na nangangahulugang abnormal pa rin ang kondisyon nito na may mababang antas ng volcanic unrest. Kaugnay nito, panapaalalahanan ang publiko na manatiling mapagmatiyag dahil posible ang biglaang pagsabog, volcanic earthquakes, manipis na ashfall at pagbuga ng nakakalasong gas.
Una rito, tumama ang malakas na lindol kagabi bago mag-alas-10 habang ang minor phreatomagmatic eruption naman sa bulkang Taal ay naitala kaninang madaling araw dakong pasado alas-2 ngayong Miyerkules. // VIA Bombo Everly Rico