BOMBO DAGUPAN- Mas mainam umano sa Pilipinas ang pederalismo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Orion Perez Dumdum, Lead Convenor/Principal Co-founder of the correct movement, dahil sa iba’t ibang kultura at lenggwahe sa iba’t ibang panig ng bansa, hindi kase aniya “one size fits all” ang ipinapatupad sa isang lugar na magkakabisa din sa iba pang lugar.

Ani Dumdum, may mga kaso kase na hindi sinasang-ayunan ng isang lugar ang ipinatupad sa ibang lugar.

--Ads--

Madali din aniyang mapapalitan sa pagkakaloklok ang isang leader na pumalpak sa pamamalakad nito.

Sinabi pa ni Dumdum, lumalabas sa pag-aaral ng mga siyentipiko na naiiwasan ang kurapsyon sa bansang nasa ilalim ng parliamentary system.