Binigyan halaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang panibagong vlog ang pagpapatupad ng mga polisiya.
Aniya, bahagi ng kanilang tungkulin ang magpakilala ng mga polisiyang magpapagaan sa buhay ng mga tao.
Isa sa layunin ng kanilang ipinapatupad ay matugunan ang pangangailangan ng publiko at pagandahin ang kalagayan ng bansa.
Katulad sa mga ibang bansa, nakikita umano ang epekto ng isang polisiya sa kultura, disiplina, at work-life balance and wellness.
Gayunpaman, pinansin ni Marcos ang pagpapabuti pa sa mga lumang polisiya na nagpapabagal na sa transaksyon ng gobyerno, lalo na kung ito ay sa pagkuha ng mga dokumento.
Kabilang nito ang pagyakap sa digitalization tulad ng eGov app kung saan ay pinadali at pinabuti ang sistema sa mga transaksyon sa iba’t ibang hanay ng gobyerno.










