DAGUPAN CITY- Ikinabahala ng isang grupo ang patuloy na pagkaantala ng panukalang dagdag na ₱200 sa sahod ng mga manggagawa, lalo na at kailangan ito sa ating panahon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Executive Director ng IBON Foundation Sonny Africa, inilahad niya ang kanyang pagkadismaya sa kawalan ng progreso sa usapin ng umento sa sahod.

Aniya, tila pahirapan ang pagpasa ng naturang panukala at lumalakas ang pagtutol mula sa hanay ng mga negosyante.

--Ads--

Tila nagtuturuan rin ang Kamara at Senado sa kanilanga rgumento na nagiging isa rin sa dahilan ng pagka-antala.

Inihayag rin niya ang pagkadismaya sa ilang economic managers ng pamahalaan na umano’y hindi tumitingin sa kapakanan ng nakararaming Pilipino, partikular ang mga manggagawa na labis nang naaapektuhan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin.

Samantala, patuloy pa rin ang panawagan ng mga labor groups na bigyan ng prayoridad ang kapakanan ng mga manggagawa, lalo na sa harap ng krisis sa ekonomiya.