Nagbabadya ang panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Tinukoy ang pagtaya ng industriya base sa international trading sa nakalipas na apat na araw, sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na ang presyo ng gasolina ay posibleng tumaas ng P0.30 hanggang P0.60 kada litro.

Nasa P0.65 hanggang P0.90 kada litro naman ang tinatayang dagdag sa presyo ng diesel at P0.40 hanggang P0.50 kada litro sa kerosene.

--Ads--

Ayon kay Romero, kabilang sa nakaimpluwensiya sa price hike ang kawalan ng katiyakan sa suplay sa harap ng umiigting na tensiyon sa Middle East.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes, na kanilang ipinatutupad kinabukasan.