BOMBO DAGUPAN – Dumating si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Narciso Ramos Sports and Civic Center sa bayan ng Lingayen, Pangasinan upang pangunahan ang pagbibigay tulong ng pamahalaan sa mga benepisyaryo mula sa Region I ngayong araw.

Ang Certificate of Condonation with Release of Mortgage o COCROM ay nagsisilbing patunay na pinatawad na ng pamahalaan ang utang ng mga Agrarian Reform Beneficiary (ARB) sa kani-kanilang mga lupang sinasaka.

Nasa 4,112 ang ipapamahagi ng pamahalaan sa Ilocos Region kung saan P50,562,449 halaga ng utang ng mga Ilokano at Pangasinense na nasa 3,558 Agrarian reform beneficiaries sa 28,086,712 sqm na lupain ang pinatawad ng gobyerno sa ilalim ng (NAEA) na naisabatas sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr.

--Ads--

Kabilang sa mga ahensiyang nagkaloob ng tulong ang Department of Agriculture (DA), Department of Agrarian Reform (DAR), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Department of Social Welfare and Development Office (DSWD), Department of Trade and Industry (DTI) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ito ay sa ilalim ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk, and Families (PAFF) ng pangulo na layuning magbigay ng malawakang suporta tulad ng cash assistance at mga makinarya sa sektor ng agrikultura na naapektuhan ng anumang sakuna gaya na lamang ng El NiƱo.