Ipinag-utos ni  Cyprus President Nicos Anastasiades  ang malalimang imbestigasyon kaugnay sa pagkakatagpo sa bangkay ng  tatlong pinay na pinatay  ng  isang self-confessed suspect at pagkawala ng ilan pang mga kababaihan sa kanilang bansa.

Ang itinuturong suspek sa krimen ay isang  Greek Cypriot army officer.

Kasabay ng kaniyang pagdalo sa Belt and Road Forum sa China ipinaabot nito ang kaniyang mensahe sa pamamagitan ng isang liham kung saan ipinahayag  nito ang simpatya sa sinapit ng mga biktima.

--Ads--

Hinikayat naman nito ang kaniyang mga kababayan na maging mahinahon sa kabila ng insedente at tiniyak na  mananagot ang nasa likod ng krimen.

Nauna rito nabatid kay  Charge d’Affaires Judy Barbara Robianes, ng Philippine Embassy sa Athens, ini-report sa kanilang tanggapan ng Cypriot authorities ang pagkawala ng tatlong Pinay, kung saan ang isa rito ay kasama ang kanyang anak na babae na pinaghahanap noon pang 2017 at 2018.

Ayon sa ulat, itinuro ng self-confessed suspect ang lugar kung saan niya itinapon ang isa sa kanyang mga pinatay.

Natagpuan ang mga otoridad ang bangkay sa isang balon sa loob ng isang firing range faci­lity sa labas ng Nicosia, kapital ng Cyprus.

Nabatid din na isa pang babaeng Asian at Romanian at anak nitong babae ang kabilang sa mga pinatay ng suspek.

Natagpuan naman ang dalawang bangkay ng Pinay sa isang abandonadong mine shaft nitong Abril 14, habang patuloy na hinahanap ng mga otoridad ang anak na babae ng isa mga biktima.