Dagupan City – Mariing itinanggi ni Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino ang usaping Rubber Stamp sa Sangguniang Panlalawigan.
Sa naging mensahe kasi nito, sinabi niya na patuloy na check and balances sa pagitan ng Sangguniang Panlalawigan at Office of the Governor.
Dito na binigyang diin ni Lambino na hindi kailangang magkontrahan o maging sunod-sunuran ang Sanggunian at kapitolyo.
--Ads--
Dahil aniya, hindi sagot ang pag-hahari-harian sa pagbibigay ng serbisyo sa mga residente ng Pangasinan.
Dagdag pa nito, prayoridad ng kanilang administrasyon ang pagbibigay ng gabay sa mga bagong miyembrong opisyales sa lalawigan.
Si Vice Governor Lambino ay nasa ikatlong termino na sa pagiging bise gobernador sa lalawigan.