DAGUPAN, CITY – Agad bumuo ng Bumuo ng Special Investigation task group (SITG) ang Pangasinan PNP kaugnay sa pagkamatay ng isang pulis matapos itong pagbabarilin habang ginagawa ang kaniyang tungkulin sa bayan ng Bugallon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Police Major Ria Tacderan – Public Information Officer ng Pangasinan Police Provincial Office na katuwang ng kanilang hanay ang Bugallon PNP at iba pang kapulisan sa mga karatig bayan upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek na bumaril sa kanilang kabaro na si Police Staff Sergeant Jeffrey Ignacio.

Pinagbabaril ito ng suspek na sakay ng isang motorsiklo habang nagsasagawa ang pulis ng kaniyang monitoring sa Brgy Salasa.

--Ads--

Hindi na rin umano nagkaroon ng pagkakataon na makaganti ng putok ang pulis sa suspek nang itoy pagbabarilin sa loob ng kaniyang sasakyan.
7 basyo naman ng bala mula sa hinihinalang 9mm na baril ang nakuha sa crime scene.

Agad namang nakatakas ang suspek matapos maisakatuparan ang krimen.

Ikinalulungkot naman ng boung Pangasinan PNP ang pagkasawi ng kanilang kasamahan sa trabaho sa pangunguna ni Colonel Jeff Fanged Officer In-Charged ng Pangasinan PNP.