BOMBO DAGUPAN- Nabigo ang pambato ng Pilipinas sa Paris Olympics 2024 Women’s Artistic Gymnastics All-Around qualifications na sina Levi Ruivivar, Emma Malabuyo, at Aleah Finnegan na umabante sa kompetisyon.

Para sa pambato ng Pilipinas sa Paris Olympics 2024 Women’s Artistic Gymnastics All-Around qualifications, nagpakitang gilas na sina Levi Ruivivar, Emma Malabuyo, at Aleah Finnegan.

Sa kanilang Balance Beam, nakapagtala si Ruivivar ng 11.866 na puntos, habang si Malabuyo ay mayroong 12.233, at si Finnegan naman ay nakakuha ng 11.466.

--Ads--

Pagdating naman sa Floor Exercise, nakakuha si Ruivivar ng 12.433 na puntos, habang si Malabuyo ay may 13.100, at si Finnegan ay mayroong 12.733.

Habang sa Vault, si Ruivivar ay nakaapgtala ng 13.600 na puntos, 13.266 naman kay Malabuyo, habang si Finnegan naman ay mayroong 13.383 na puntos.

At sa Uneven Bars, si Ruivivar ay may 13.200 na puntos, si Malabuyo ay nakapuntos naman ng 12.500, at si Finnegan ay nakapagtala ng 12.566.