
Nananawagan ang Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG sa pamahalaan na palawakin pa ang pagbibigay ng mas mataas na presyo ng mga palay sa mga magsasaka.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay SINAG Chairman Engr. Rosendo So, mula sa P12.00 ay bumaba pa ng P10.00 hanggang P11.00 ang presyo ng fresh palay kaya malaki ang lugi ng mga magsasaka.
Hiniling ni So na dapat ay may nakalaaang pondo ang Department of Agriculture para ibigay sa NFA na siyang ipambili ng palay ng mga local farmers.
--Ads--
Hangad ng mga magsasaka na gawing P19.00 ang kuha ng National Food Authority (NFA) upang hindi naman sila malugi.
Kasabay kasi ng mababang presyo ng palay ay ang patuloy na pagbaha aniya ng mga murang imported na bigas.



