DAGUPAN CITY- Ramdam pa rin ang patuloy pa rin ang pagtaas ng presyo ng karneng baboy tulad ng liempo, ribs, at laman ng baboy sa Malimgas Public Market sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Felisa Santiago, isang tindera, halos umabot na sa 400 pesos kada kilo ang presyo ng liempo, 380 pesos ang laman, at umaabot mula 320 hanggang 330 pesos kada kilo ang ribs ng baboy.

Dahil dito, nahihirapan ang mga nagtitinda dahil hindi na kayang bilhin ng maraming mamimili ang karne ng baboy.

--Ads--

Aniya, dahil sa taas ng presyo ng karneng baboy, nagiging matumal ang kanilang benta.

Panawagan naman ng mga vendors na sana ay bumalik na sa dating presyo ang karne upang mapagaan ang kalagayan ng mga mamimili at mga vendors sa lungsod.