Inamin ni Provincial Legal Officer Atty Geraldine Baniqued na hindi maiwasang isipin na pulitika ang dahilan ng pagsasampa ng reklamo sa Ombudsman laban kay Pangasinan Governor Amado Pogi Espino III dahil sa isyu ng katiwalian.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Baniqued sinabi nito na nakapagtataka ang timing ng pagsasampa ng reklamo gayong ang umano’y maanomalyang pagpapagawa sa sports oval track sa Alaminos City National High School ay nangyari pa noong 2018.

Provincial Legal Officer Atty Geraldine Baniqued

Nakakalungkot aniyang isipin na maging ang ganitong bagay ay ginagamit lamang dahil sa pulitika lalot nalalapit na ang eleksyon.

--Ads--

Ngunit inihayag nito na bukas sila na sagutin ang mga alegasyon at handa silang patunayan na wala itong katotohanan.

Confident aniya silang sabihin na walang itinatago ang Provincial Government sa lahat ng mga proyektong kanilang ipinapatupad.