BOMBO DAGUPAN – “Very active ng supreme court.”

Yan ang ibinahagi ni Atty. Francis Dominick Abril – Legal/ political consultant sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan ukol sa isinusulong ng Korte Suprema ngayon, na pagkakaroon ng victim-sensitive criminal justice system upang hindi lamang nakatuon sa karapatan ng mga akusado ang justice system sa bansa.

Aniya na ito ay magbibigay ng balanse para sa biktima gayundin sa akusado sa paggulong ng kaso sa korte. Marahil aniya na minsan hindi lang due process kundi overdue process ang nangyayari sa kasalukuyang sistema ng hustisya. Minsan sa sobrang tagal ng proseso o pag-usad ng kaso ay pumapabor pa sa akusado ang nagiging hatol ng korte.

--Ads--

Dagdag pa niya na mabuti na lamang at napagtanto ng korte suprema na mayroong pangangailangan sa pagpapaigting at pagrebyu sa kasalukuyang rules and guidelines.

Sa kasalukuyan ay hindi pa man aprubado ang nasabing sistema ngunit ani Abril ay magtiwala parin sa korte suprema dahil sinisipagan at binibilisan nila ang kanilang aksyon ukol dito.