Napapanahon na para magkaroon ng air conditioning ang mga silid-aralan sa bansa lalo na sa mataas na temperaturang nararanasan.
Ayon kay Jim Lester Beleno – VP and Spokesperson, Teachers’ Dignity Coalition-NCR Teachers Union (TDC-NCRTU) bagama’t ito ay may kamahalan subalit hindi naman ito isasagawa ng isang bagsakan bagkus ay paunti-unti lamang.
Lalo na rin at dumarami na ang populasyon ng mga mag-aaral at hindi na ‘ideal’ ang class size sa humigit kumulang 50 na mga mag-aaral sa bawat silid.
Kung titingnan ng mabuti narito ang kakulangan sa imprastraktura gayundin ang kakulangan ng mga electricfan.
Aniya dapat ito ang iprayoridad ng pamahalaan dahil hindi magandang ang ganitong panahon na hindi equipped ang mga silid-aralan.
Bagaman ay ayaw sanang magkaroon ng class suspensions subalit hindi naman maaaring itaya ang kalusugan ng mga bata maging ng mga guro.
Mabuti na lamang aniya at nakikinig si Deped Secretray Sonny Angara sa mga apela na magpatupad ng adjustment sa class schedule ng mga estudyante.
Umaaasa naman ito na kapag dumating muli ang ganitong kataas na temperatura ay hindi na problemahin bagkus ay handa na ang mga paaralan sa ganitong sitwasyon.