Dagupan City – Nagtanim ng mga punong may kasamang malasakit at pakikiisa ang mga mag-aaral ng Binalatongan Community College (BCC) kamakailan sa isinagawang tree planting activity sa Barangay Ano, sa syudad ng San Carlos.

Sa kabila ng mainit na panahon, matagumpay na naisagawa ang programang “Plant a Tree, Grow a Legacy”, bahagi ng Unity Project ng mga ika-apat na taong mag-aaral at National Service Training Program (NSTP) graduating students.

Pinangunahan ito ng mga opisyal at kaguruan ng nasabing paaralan.

--Ads--

Layunin ng aktibidad na ito na tumulong sa pangangalaga sa kalikasan at magsilbing hakbang tungo sa pagpapanumbalik ng balanse sa ekosistema.

Sa pagtutulungan ng BCC community, naipakita ang aktibong pakikilahok ng mga kabataan sa mga gawaing pangkalikasan.

Ang inisyatibong ito ay bahagi sa aktibidad upang mapalawak ang pagsisikap at itaguyod ang pangangalaga sa kalikasan sa tulong ng mga kabataan.