Dagupan City – May posibilidad na sirain ang reputasyon ni diamond star Maricel Soriano at Pangulong Ferdinand ‘bongbong’ Marcos Jr.sa lumabas na confidential report umano ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na pagkakadawit ng mga ito sa ilegal na droga.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Joseph Emmanuel Cera, Constitutionalist/ Street Lawyer, sinabi nito na walang konkretong ebidensya ang tumatayong resource person at sinasabi lamang na may Nakita itong kopya kung saan nakasulat ang pangalan ni Soriano at ang pangulo.

Kung titignan kasi aniya, bukod sa 12 taon na ang nakalilipas ay lumalabas din na may realignment na nangyari sa salaysay ng testigo.
Nauna naman ng idiniin ni Senator Juan Miguel F. Zubiri na huwag gawin itong political ‘witch-hunt’.

--Ads--

Samantala, sa press senate hearing itinanggi naman ng aktres ang paratang na siya’y gumagamit ng cocaine matapos tumestigo sa Senado kaugnay ng kumalat na listahan diumano ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).