Naging matagumpay ang pagdiriwang ng Bangus Festival dito sa lungsod ng Dagupan.
Dumagsa ang libo-libong katao sa kahabaan ng AB Fernandez Avenue sa Downtown Area sa lungsod ng Dagupan kung saan ipinagdiwang ang highlight ng Bangus Festival 2022 na ‘Kalutan Ed Dalan’ .
Hindi naging balakid ang malakas na buhos ng ulan pagsapit ng gabi dahil napakaraming tao pa rin sa downtown area at dagsa ang mga sasakyan .
Tampok sa isinasagawang selebrasyon ang ilang mga malalaking pangalan sa larangan ng musika tulad na lamang ni Andrew E gayundin ang mga inabangan sa Kalutan ed Dalan Street party na sina DJ Arra, Pricetagg X, JP Bacallan, Banda ni Kleggy, This Band at kamikazee
Katuwang ang tulong ng Panda Fire Volunteers, City Engineering Office at waste Managemnt office sa naging paglalatag ng nasa isang libong mga grills.
Maalala na taong 2003 ng nakamit ng lungsod ang pagkilala mula sa Guinness World Records bilang World’s Longest Barbeque