Dagupan City – Patuloy pa rin ang pagpapaigting ng Land Transportation Office sa Oplan Balik Rehistro.

Ayon kay Romel Dawaton, Chief ng LTO Dagupan City District Office, base sa kanilang datos ay marami pa ring mga idle o unregistered na mga sasakyan.

Kung kaya’t kahit umano weekends ay nakaantabay ang mga Region 1 Law Enforcement Services sa ilang kakalsadahan sa pagpapatupad ng Republic Act 4136.

--Ads--

Kaugnay nito ay nanawagan naman sila sa publiko na kailangan ng magparehistro sa kanilang tanggapan upang hindi na maging abala pa sa kakalsadahan kung sila ay makita ng mga awtoridad.

Samantala, nanatili naman ang kaayusan ng suplay ng Driver’s License Card sa kanilang tanggapan, dahil marami pa ring stocks.

Dahil dito, hindi na sila nag-iissue ng temporary driver’s license, dahil sa araw-araw na transaksyon ng kanilang tanggapan ay nabibigyan naman ang lahat ng kliyente ng kanilang lisensya.

Pinaalalahanan naman nito ang publiko na kailangan lamang umano magkaroon ng kaunting pasensya ang mga kukuha ng kanilang Drivers License, dahil may mga protocol sa sinusunod.