Naglabas ng anunsyu ang bandang OASIS na magkakaroon pa sila ng hindi lang isa kundi dalawang extra concert dates para sa kanilang reunion concert.

Ayon sa ulat, sinabi ng banda na gaganapin ang mismong concerts nila sa Wembley Stadium sa Setyembre 27 at 28 sa susunod na taon.

Agad namang naubos ang tickets dala na rin ng pagkasabik ng mga fans na makita ang banda na magkakasama sa loob ng 15 taon.

--Ads--

Ang album na Definitely Maybe ay inilabas noong 30 taon ang nakalipas at naghiwalay noong 2009.

Ayon kay main songwriter na si Noel Gallagher, hindi na niya kayang makasama pa ang kapatid na si Liam matapos ang ilang beses na hindi pagkakaintindihan.

Una ng inanunsiyo ng grupo na mayroong 14 shows sila na gaganapin sa Ireland at Britanya.