Bumuwelta ang pamunuan ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa Malacañang, sa umano’y panibagong ouster plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni Randon ‘Nonoy’ Espina, presidente ng NUJP, na cover up nalamang ito ng Palasyo dahil wala na silang masabing matino hinggil sa isyu ng paglabas ng ‘Bikoy Video’.

Giit nito na ang dapat na ginawa ng pamahalaan kung may totoo o tama aniya sa mga impormasyong lumabas sa bikoy video ay dapat itong pinaimbestigahan sa halip na maglabas ng matrix na hindi naman aniya nakakatulong para sa bansa,

--Ads--

Dagdag pa ni Espina, nagpapakita din ang paglabas ng panibagong matrix na nagpapanic na ang Palasayo dahil hindi na nila alam ang gagawin nila dahil hindi na umuubra ang kanilang estilo.

Bagamat aminado si Espina na posibleng gamitin din ng Administrasyon ang isyung ito ngayon upang supilin ang kalayaan sa pamamahayag.

Matatandaan na sa inilabas na matrix, kabilang sa mga pangalang lumabas ay sina Inday Varona ng National Union of Journalists in the Philippines (NUJP), Sen. Antonio Trillanes III, publisher na si Ellen Tordesillas, dating Presidential Spokesman Edwin Lacierda, Cocoy Dayao, Communist Party of the Philippines-New People’s Army founding Chairman Joma Sison, Bong Banal, Arman Potejos at si Rodel Jayme na una nang naaresto ng National Bureau of Investigation, Atty. Florin Hilbay, Liberal Party at Magdalo.