DAGUPAN CITY–Pansamantalang sinuspende ng surgical department ng Region 1 Medical Center (RIMC) ang kanilang mga non-emergency surgery matapos magpositibo sa COVID-19 ang apat na doktor at dalawang nurse.

Ayon kay RIMC chief Dr. Joseph Mejia, pansamantalang isasara ang pagamutan upang magsagawa ng disinfection at ang kanilang surgical department ay tatanggap lamang ng emergency surgery sa loob lamang ng 10 araw.

Saad ni Mejia, posibleng nakuha ng mga doktor ang naturang sakit mula sa positibong pasyente na sumailalim sa isang surgery o mula sa mga kapwa nila healthcare worker na lumalabas sa probinsya.

--Ads--

Kaya naman, nanawagan ang naturang opisyal sa Department of Health upang madagdagagan pa ang test kits sa kanilang ospital upang matukoy kaagad ang mga positibo sa kanilang pagamutan.