Dagupan City – Mga kabombo! Alam niyo ba na ang pag “sneeze ” o “bahing” ay maaaring magdulot ng matinding pinsala sa inyong katawan?

Ganyan kasi ang nangyari sa Nigerian professional player ng football na si Victor Adeboyejo matapos siyang bumahing ng malakas.

Ayon sa ulat, nakatakda sanang maglaro si Adeboyejo, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari nagtamo ito ng matinding injury sa kanyang likuran, ang dahilan — isang malakas na pagbahing.

--Ads--

Ayon sa manager ni Adeboyejo na si Ian Evatt, dahil dito ay nag-uumpisa nang mabawasan ang kaniyang player, at nagkaroon na rin ng international break na dulot ng isang “medyo malakas na pagbahing”

Dagdag pa niya na bukod sa kilala umano si Adeboyejo na isang malakas na manlalaro, mas nakilala pa ito dahil sa lakas ng kaniyang pagbahing.

Tiniyak naman ni Manager Evatt na mas tututukan nito ang kaniyang manlalaro upang maiwasan ang mga naitatalang mga nasabing pangyayari.

Gaya na lamang ng nangyari sa playor nitong si Adeboyejo na nagtamo ng pag-crack sa kanyang ribs at kakailanganin ang pag-scan o x-ray para sa opisyal na diagnosis.

Hindi naman na nakalaro ang Nigerian striker sa showdown ng koponan laban sa team Barrow at hindi pa rin alam kung kailan ito makakabalik sa paglalaro.