Isa muling pag-atake mula sa Israel ang tumama sa Beirut, Lebanon na ikinasawi ng hindi bababa sa 15 katao at ikinasira ng isang eight-storey building.
Niyanig ng buong lungsod ang pag-atake sa Basta district na kung saan wala umanong pagbabala ang nangyari bago ang pagtama nito.
Kabilang umano sa mga ginamit na pampasabog ay isa bunker buster bomb o isan uri ng armas na ginamit ng Israel upang paslangin ang mga kilalang Hezbollah, kabilang na si dating leader na si Hassan Nasrallah.
Ito ay may indikasyon na maaaring mayroon muling high-level official ang tinatarget ng Israel subalit wala pang nilalabas na komento ang Israel o ang Hezbollah.
Sinabi naman ng Lebanese Health ministry na higit 60 naman ang sugatan dahil sa pag-atake at inaasahan pa nila ang pagtaas ng bilang ng mga biktima.