Nauwi sa tila’y ‘bold show’ ng mga hubad na kalalakihang nagsasayawan ang sana’y isang motorshow sa isang gymnasium sa Tayug sa lalawigan ng Pangasinan
Ayon kay PMaj. Anastacio Sibayan Jr ang siyang Officer In Charge ng Tayug PNP na naihain na ang mga kaso sa mga dalawang organizers maging sa mga limang mga mananayaw na makikita sa viral video.
Makikita sa isang nakunan na video ang limang lalaki na isa-isang nagtanggal ng kanilang mga damit habang sumasayaw.
Agad naman umano silang nagsagawa ng imbestigasyon na base na rin sa direkltiba ng pamahalaang bayan kung saan tatlo sa mga mananayaw ay residente sa kanilang lugar habang ang dalawa pa ay patuloy pa rin nilang tintumbok.
Pawang mga nasa hustong gulang naman umano ang mag ito kung saan ang pinakabatang sangkot ay edad 19 anyos.
Base umano sa kanilang panayam sa mga ilan sa mga mananayaw, ay nagsimula lamang ito sa isang ‘tiktok challenge’ kung saan ang isa rito ay unti unting nag-alis ng kaniyang damit na nagresulta sa mga kantyawan.
May mga natatanggap din aniya silang ulat na nagmula sa mga manonood ang nag-alok ng premyo na aabot sa P15,000 sa mananalong dancer.
Paglilinaw rin nito na may mga nakadeploy aniyang kapulisan sa labas ng naturang gymnasium ngunit dahil aniya sa isang aksidente sa kalsada sa isang barangay, ay nirespondehan ito ng mga naturang pulis kung kaya’t hindi nila namonitor ang naturang pangyayari.
Dagdag pa nito na nabigyan ng permit ang naturang motorshow dahil naging maayos naman ang pag-uusap hinggil sa mga susunding protocols at procedures ng mga organizers.
Pagtitiyak din nito na kanilang pinaiigting pa ang kanilang mga hakbangin upang hidni na maitala pa ang kahalintulad na insidente.