Dagupan City – ‎Masiglang ipinagdiwang ng bayan ng San Jacinto ang Elderly Filipino Week kung saan tampok ang makukulay na aktibidad na nagpamalas ng lakas at talento ng mga nakatatanda.
‎
Umikot ang selebrasyon sa parada ng mga barangay at paligsahan sa sayawan, kung saan buong gilas na ipinamalas ng mga lolo’t lola ang kanilang husay at enerhiya.
‎
Hindi rin nagpahuli ang suporta ng lokal na pamahalaan kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

Nagbigay mensahe rin sina Ms. Rosalie Ellasus mula sa tanggapan ng alkalde.
‎
Sa likod ng matagumpay na pagtitipon ay ang koordinasyong pinangunahan ng MSWDO, katuwang ang mga opisyal ng bayan.
‎
Isang araw ng pagbibigay-pugay, pasasalamat, at pagkilala sa mahalagang papel ng mga senior citizens mga huwaran ng katatagan at malasakit sa komunidad.