DAGUPAN CITY- Nagkaisa ang mga residente ng Brgy. Cato sa bayan ng Infanta sa kanilang isinagawang simultaneous coastal clean up drive.
Pinangunahan ito ng Municipal Agriculture Office, katuwang ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Bureau of Fire Protection-Infanta, Philippine National Police-Infanta, at ilan pang mga ahensya, organisasyon at mga volunteers.
Layunin nitong maprotketahan ang kapaligiran at kalinisan nito.
--Ads--
Kabilang rin ang pagpapakita ng responsibilidad ng mga residente sa tamang pagbabasura at mapanatili ang kagandahan ng kapaligiran.