Walang naitalang nasawi o nasugatan na mga Pilipino a bansang Pakistan kasunod ng pagkakatala ng isang magnitude-6.5 na lindol ang yumanig sa kalakhang bahagi ng Pakistan at Afghanistan.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Rosanna Ilyas na sa kanilang pakikipagugnayan sa mga kapwa Pilipino sa Pakistan ay nanatili umano silang ligtas at nasa mabuting sitwasyon.
Malaki na lang aniya ang kanilang pasasalamat dahil walang naidatos na anumang pinsala sa kanilang lugar.
Dagdag pa nito na aabot sa siyam na mga bansa ang naapektuhan ng naturang pagyanig kung saan kasama rito ang Tajikistan, ilang bahagi ng China maging ang India.
Pagsasaad pa nito na sa kaniyang pitong taong paninirahan sa naturang bansa ay ito lamang ang ikalawang karanasan nila sa isang malakas na pagyanig.