DAGUPAN CITY–Sinariwa ni Father Manuel Bravo Parish Priest ng St John Cathedral dito sa lungsod ng Dagupan ang mga panahon na nabubuhay pa si dating Lingayen Dagupan Archbishop Oscar Cruz na matagal rin nilang nakasama.

Ayon kay Father Bravo, sa mga panahon na nakasama nito si Cruz ay hindi nito malilimutan ang lahat ng mga magagandang naituro nito sa kanila .


Tinawag niya itong disciplinarian pero mapagmahal sa kaparian si Cruz na isa rin aniyang appreciative at simpleng tao.

--Ads--

Kilala rin aniya si Cruz na mapagmahal sa mga kabataan.

Hindi rin umano nito makalimutan ang mga pastoral program na iniwan nito sa kanila maging ang mga nagawa nito sa pinagsilbihang mga parokya.

Father Manuel Bravo -Parish Priest St John Cathedral

Nasawi si Cruz sa edad na 85 kaninang 6:45 umaga sa Cardinal Santos Hospital dahil sa multiple organ failure sanhi ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) infection”.

Nabatid na matagal na nagsilbi si Cruz bilang Emeritus ng Lingayen-Dagupan mula 1991 hanggang 2009.

Pinalitan ito sa pwesto ni Bishop Socrates B. Villegas ng Diocese of Balanga .

Si Cruz ay kilala rin bilang kritiko ng mga nagdaang administrasyon sa ilalim ng pamumuno nina dating pangulong Joseph Estrada, Gloria Macapagal Arroyo, Benigno Aquino III, maging ng kasalukuyang presidente na si Rodrigo Duterte.