Iginiit ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na walang nag-utos sa kaniya para imbestigahan ang umano’y human trafficking plot laban kay Executive Secretary Ralph Recto.

Sagot ito ng NBI chief matapos sabihin ni Batangas Representative Leandro Leviste na sumusunod lamang ito sa utos.

Subalit nanindigan si Matibag ng kaniyang commitment sa batas at sa mandato ng NBI. Wala rin aniyang personal na ugnayan ang makakapigil sa kawanihan para imbestigahan ang planong frame-up sa Cabinet official.

--Ads--

Nauna nang pinangalanan ng dalawang testigo sina Leviste at dating Cong. Jacinto Paras sa pagbuo ng kwento o pag-frame up kay Recto para idawit ito sa kaso ng human trafficking.

Subalit sa ngayon, kumakalap pa ng ebidensiya ang mga imbestigador kaugnay ng naturang alegasyon. Ayon kay Matibag, ang tanging hawak nila ngayon ay ang testimoniya ng dalawang witness, base sa sinabi umano sa kanila ni Paras.

Kung saan nabanggit umano sa kanila ng dating mambabatas na si Leviste ang magpopondo sa naturang human trafficking plot para i-frame up si Recto.

Nauna naman nang inisyuhan ng subpoena ang dalawa at hinimok sila ni Matibag na igalang ito at ipaliwanag ang kanilang panig sa NBI.