Normal pa rin ang situwasyon ng Marusay River sa bayan ng Calasiao sa kabila ng naranasang pag-ulan dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay John Domagas, duty officer ng Municipal Disaster Risk Reduction Management office sa bayan ng Calasiao, base sa kanilang monitoring, nasa 5. 9 ft above normal level ang Marusay River. Ito ay malayo pa sa critical level na nasa 7 ft.
Wala pang nabahang barangay maliban lamang sa mga mabababang lugar na malapit sa ilog.
--Ads--
Sa ngayon ay wala pa ring residenteng lumikas sa kanilang lugar.
Inabisuhan naman ang mga residente na malapit ang bahay sa ilog na maging alerto sa dagliang pagbaha