Ipinatutupad ang pansamantalang pagsasara ng Maples River sa Barangay Pogonsili sa bayan ng Aguilar sa lalawigan ng Pangasinan alinsunod sa Executive Ordinance No. 17, Series of 2024 upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Bilang bahagi ng mahigpit na pagpapatupad ng kautusan, nagsagawa ng police presence ang mga tauhan ng Aguilar Police Station sa nasabing lugar.
Layunin nitong tiyakin na nasusunod ang temporary closure at maiwasan ang anumang insidente o aksidente sa lugar.
Sa pamamagitan ng mas pinaigting na pagpapatrulya, magalang na pagpapaalala, at direktang pakikipag-ugnayan sa komunidad, binigyang-diin ng pulisya ang kahalagahan ng kooperasyon ng bawat residente.
Nakatutok ang kanilang hakbang sa pagprotekta sa buhay, pag-iwas sa kapahamakan, at pagpapalakas ng pananagutan ng komunidad para sa pangkalahatang kaligtasan.









