Iniulat ni P/Maj. Hazel Asilo, tagapagsalita ng National Capital Region Police Office (NCRPO), na payapa ang pagtitipon sa Quezon City kaugnay ng White Ribbon March.

Ayon kay Asilo, bandang alas-3:30 ng hapon ay umabot na sa 3,730 ang crowd estimate sa paligid ng EDSA People Power Monument.

Dagdag pa niya, ito na marahil ang pinakamataas na bilang ng mga dumalo dahil mula kanina ay nadagdagan lamang ng ilang daan katao.

--Ads--

Dahil nakatakdang matapos ang programa hanggang alas-8:00 ng gabi, inaasahan ng NCRPO na posibleng umabot sa 5,000 ang kabuuang bilang ng mga kalahok ngunit hindi na nila inaasahan na mas lalampas pa rito.

Sa ngayon ay nananatiling maayos at mapayapa ang sitwasyon sa lugar.