Nanawagan ang Malacañang ng kooperasyon at pagkakaisa mula sa publiko sa gitna ng epekto ng krisis sa Middle East.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Usec Claire Castro mahalaga ang pagtutulungan habang nararanasan ng bansa ang pagtaas ng presyo ng langis at paghina ng piso.
Iginiit ni Castro na batid ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang hinaing ng publiko, ngunit hindi umano kasalanan ng pamahalaan ang sitwasyon na dulot ng sigalot sa pagitan ng Estados Unidos, Israel, at Iran.
Dagdag niya, prayoridad ngayon ng Pangulo ang pagbibigay ng ayuda, kabilang ang fuel subsidy at tulong pinansyal sa sektor ng transportasyon, habang binabalanse ang kapakanan ng mga commuter at driver.
Hinihikayat din ng Malacañang ang publiko na magtiwala sa mga hakbang ng pamahalaan at makiisa sa gitna ng patuloy na krisis.










