DAGUPAN CITY- Mahigit P4-million na halaga ng shabu ang natagpuan ng dalawang mangingisda na palutang-lutang sa karagatan sa Brgy Estanza, bayan ng Bolinao.

Ayon kay PLTCOL. Radino Belly,Chief Of Police ng Bolinao PNP, higit-kumulang 20 nautical miles ang layo nito sa karagatan nang matagpuan ng mga mangingisda ang palutang-lutang na container na nakabalot naman sa duct tape. Agad naman umano nila itong itinurn over sa himpilan ng kapulisan.

Mayroon umano itong bigat na 670.81 grams.

--Ads--

Kanila naman nila itong sinuri kung saan positibo nilang tinukoy na shabu ito.

Samantala, wala naman aniyang nakitang iba pang kahina-hinala ang mga mangingisda, maging ang mga kapulisan na nagsuri din sa kapaligiran kung saan natagpuan ang naturang shabu.

Nagpaalala naman sa PLt. Col. Belly sa mga residente na ipag-alam agad sa mga otoridad kung makakita din sila ng mga kahina-hinalang bagay.