Humigit kumulang 1 kilo ng shabu ang nakuha mula sa dalawang suspek na nahuli sa isinagawang buy bust operation sa barangay Naguilayan, bayan ng Binmaley, Pangasinan.

Sa inisyal na impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Dagupan, tinatayang aabot sa P6,800,000 pesos ang kabuuang halaga ng mga nakuhang droga mula sa mga suspek.

Kinilala ang mga naaresto na sina Roscius Dadacay Pabillo, 44 taong gulang isang negosyante at residente ng barangay San Pedro, San Carlos City at Jim Resuello Romero, 38 taong gulang, negosyante at residente ng 145, Rizal Ave. San Carlos City.

--Ads--

Ang mga suspek ay kakasuhan dahil sa paglabag ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nasabat din mula sa mga suspek ang isang piraso ng 1000 peso bill at tatlong bundle ng tig-1000 boodle money na ginamit bilang buy bust money.

Nakuha rin sa mga ito ang isang unit ng cellphone at isang L300 van na ginamit sa kanilang pakiki-pagtransaksyon sa kanilang mga parokyano.

Ang pagkahuli sa mga suspek ay sa pamamagitan ng pinagsamang pwersa ng PDEA Pangasinan Provincial Office at Binmaley Police Station.