Umabot sa 5,602 na mga personnel ng Philippine National Police (PNP) ang sabay-sabay na na-promote ngayong araw.
Isinagawa ang sabay-sabay na oath-taking, donning at pinning ceremonies sa buong bansa nitong Hulyo 29.
Balitang Tsina
Kinaibiblangan ito ng 1,877 na mga police commissioned officers at 3,724 na police non-commissioned officers.
Habang sa Camp Crame ay mayroong 400 na mga officers ang nakatanggap ng kanilang bagong ranggo kasama ang kanilang mga pamilya, kaibigan at mga commanding officers.
Pinayuhan ni PNP chief PGeneral Jose Melencio Nartatez Jr ang mga bagong promote na police na mayroon silang mas mabigat na responsibilidad sa bago nilang posisyon ngayon.
Hindi aniya isinusuot ang nasabing uniporme bilang pagkilala sa kanilang promosyon at sa halip ay mas nararapat para sa mga Pilipino ang magkaroon ng ligtas na kapaligiran.










