Dahil sa hindi pagkakaunawaan tinaga ang isang magsasaka ng sarili niyang kapatid sa bayan ng Alcala Pangasinan.

Malalim na sugat sa kaliwang bahagi ng ulo ang tinamo ng biktima na si Adorado Torres , 47 anyos matapos siyang tagain ng kapatid.

Ayon sa anak ng biktima, nakauwi na ang kaniyang tiyuhin ngunit biglang bumalik at tinaga ang kanyang ama.

--Ads--

Nabatid na sa tuwing nakakainom ang dalawa ay madalas na magkaroon sila ng argumento.

Desidido naman ang kaanak ng biktima na sampahan ng kaso ang suspek. With reports from Cheryl Ann Cabrera