Natagpuang wala nang buhay ang maglive in partner at kapwa senior citizen sa loob ng kanilang bahay sa bayan ng Sual.

Ayon sa naging panayam kay Pmaj. Jaybram DS Casiano ang siyang officer in charge ng Sual Municipal Police Station na nakatira ang maglive in partner sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Baybay Norte sa nasabing bayan, kung saan itago na lamang sa pangalan ang dalawang biktima na sina ‘Maria’isang senior citizen, mayroong sakit sa pag-iisip, habang si ‘Juan’ ay isang senior citizen at dalawampung taon ng paralisado na kapwa nakatira sa nabanggit na lugar, dahil sa kanilang karamdaman kada linggo ay hinahatiran ng pagkain ang dalawa mula sa brgy. officials.

Ngunit nang mapansin na lamang ng mga ito na hindi na humihingi ng pagkain ang dalawa ay doon na napagdesisyunan na bisitahin ang tahanan ng mga biktima kung saan natagpuang wala ng buhay ang katawan ng mga ito at malapit nang maagnas.

--Ads--