Dagupan City – Buo ang suporta ng Land Transportation Office Dagupan City District sa pag-papaalala sa kanilang mga kliyente na nagpaparehistro sa kanilang opisinan tungkol sa pagsunod ng Provincial Ordinance no. 325-2024.

Ayon kay Romel Dawaton ang Chief ng nasabing opisina na maganda ang ordinansang ipinapatupad sa lalawigan dahil makakatulong ito sa mga motorista lalo na kapag gabi sa mga aksidenteng maaring mangyari dito para mabawasan ang mga road crashes dito.

Naniniwala ito na epektibo itong maipatupad para sa kapakanan ng mga motorista.

--Ads--

Aniya na inimbitahan umano sila ng Sangguniang Panlalawigan noong nagkaroong ng session tungkol dito na sila umano ang makakatuwang ng kapulisan para magimplementa nito ngunit narectify nila ito na hindi umano na nila sakop ang implementasyon nito dahil wala silang otoridad sa nasabing ordinansa dahil National Law sa kakalsadahan lamang ang kanilang iniimplementa kung kayat hindi sila maaring manghuli.

Dagdag nito na nasa ilalim kasi ng Local Government Code ang pag-iimplementa dito habang sila naman ay nakabase sa Republic Act 4136 Land transportation and Traffic Code.

Samantala, ang kanila nalang umano magiging partisipasyon dito ay ang patuloy na pagpapaalala sa mga kliyente na nagtutungo sa kanilang opisina para magparehistro na dapat na sumunod sa pagsusuot ng reflectorize vest lalo marami naman ang dumadako sa kanila na mga nagmomotor.