Mataas ang posibilidad na maging tropical depression ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ayon sa PAGASA.

Huling namataan ang LPA sa layong 1,950 kilometro silangan ng extreme Northern Luzon.

Samantala, patuloy namang nakaaapekto sa Luzon at kanlurang bahagi ng Visayas ang Southwest Monsoon o Habagat.

--Ads--

Inaasahan ang paminsan-minsang pag-ulan sa Zambales, Bataan at Occidental Mindoro, kung saan posible ang flash floods at landslides dahil sa katamtaman hanggang malakas na ulan.

Makakaranas naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, CALABARZON, MIMAROPA, Central Luzon, Camarines Norte, Aklan, Antique at Capiz.

Habang sa nalalabing bahagi ng Luzon, asahan ang isolated rain showers o thunderstorms, at localized thunderstorms na magdadala ng mga pag-ulan.